IV. Konklusyon at Hamon sa Mambabasa
Bagama't tila malabo sa kasalukuyan ang pagtanggal sa political dynasties dahil sa maraming salik na pumipigil dito, dapat tayong magtulungan bilang mga kababayan upang ito ay mawala na. Hinahamon ko ang mambabasa na tumindig at kumilos para hindi lalong magdusa ang mga mahihirap nating mga kapatid. Napag-alaman kong maraming Pilipino ang walang kamalay-malay sa mga epektong maaaring maidulot ng political dynasty sa bansa kung kaya't patuloy silang bumuboto sa kanila. Gawin ang iyong makakaya, maging matalino sa pagboto, ikalat ang salita, at turuan ang iba tungkol sa isyung ito. Kahit bata ka pa tulad ko, pwede pa nating ipakalat ang salita para kumilos ang mga tao at hikayatin ang iba na gumawa ng matalinong desisyon para sa bansa, kaya magtulungan tayo para umunlad ang ating pinakamamahal na bansa.

Comments
Post a Comment